August 28th, 2008
for real?!?!
umuulan nun... nasa loob tayo ng Skyworld... umupo saglit dahil napagod
sa kakahanap ng pwedeng maisuot ng isang kaibigan para sa kanyang
kumpetisyon...
naka-upo tayong apat sa isang bench sa loob
ng Skyworld... kinuha mo ung kamay ko at sabay hila sa akin... nagtaka
ung dalawa nating kasama kung saan tayo pupunta at bigla mo akong
hinila sa aking kinauupuan... you held my hand until we got out of the
establishment... may mga nakasalubong pa nga tayong iba nating
kaibigan... tinanong nila ako kung saan tayo pupunta... sabi ko
sakanila, "malay ko sa kanya"... ung dalawa nating kasama e naiwan para kausapin ung mga nakasalubong natin...
"wala akong dalang payong!... saan ba kasi tayo pupunta?!"
hanggang sa nasa may corner na tayo ng session road at calderon
street... andun... nagpapaulan... nung una gusto kong sumilong na pero
hindi ko ginawa... para kang batang naglalaro sa ilalim ng ulan...
sinamahan kita hanggang sa basang-basa na tayong dalawa... we
frolicked, we laughed, and we laughed more... wala masyadong tao sa
session nun... konti lang ang mga nagtataka sa ginagawa nating dalawa...
tapos e hinila mo uli ako... hawak hawak ang aking kamay... nakatayo
tayo sa hagdan sa may kanto... pabalik na tayo sa mga kasama natin pero
pinigilan mo ako saglit at tinanong sa akin, "paano natin sasabihin sakanila na tayo na?"...
nagulat ako sa nasambit mo na un... hindi ko alam sasabihin ko dahil
una, e hindi ka naman nanliligaw, ang alam ko kaibigan lang turing mo
sa akin at hanggang dun lang ung relationship natin... pangalawa, baka
isang laro na naman ang lahat... hindi ko napigilan ang mga umiikot sa
isip ko...
====================================================================
august 18, 2008 5:00 am
narinig ko ang aking alarm na tumunog... NAPUTOL!!!...
5 messages received... ung pinaka-una ko pang nabasa e ung galing sayo!...
yes, i did woke up at the bright side of my bed and i'LL be smiLing until this day ends...

